Anong cubicle number?

I have something with restrooms in the office.

May favorite akong cubicle sa apat na doors ng restroom namin sa office. Since 2015 yun ang lagi kong pinipili na door. Yung pangalawa from main door ng restroom. Pero recently nasira ang mga accessories ng cubicle na yun at one week pa bago ulit naging available na gamitin.

Natuwa ako na pumasok para ma-enjoy ko ang time ko sa favorite cubicle ko pero iba na sya. Iba na ang ginagawa nya sa akin at parang hindi ako handa sa pagbabago nya. Pero mga ilang araw pa rin sa kanya ako bumabalik kasi nga favorite ko sya. At after one week wala talaga iba na talaga sya. Hindi na sya ang favorite ko na cubicle. Hindi ako yung tao na nag tyaga sa mga bagay na ayaw ko. Hindi ko favorite na dayain ang sarili ko na gusto ko pa kahit ayaw ko na. Kaya nag iba na ako ng door na pinipili pag pumapasok ako sa restroom namin. Nalulungkot ako na wala na akong favorite door pero ganun yata talaga kahit moment sa restroom ay fleeting.

Mga walang kwenta na isipin dahil sa hindi na pagpili sa cubicle number 2 sa restroom.

Una, mahirap talaga yung naglalagay ng label na favorite sa mga bagay sa paligid mo kasi nandun ang expectation na laging ganun ang gagawin nya. Kasi nga pag favorite mo ibig sabihin satisfy ka sa presence ng bagay na yun kaya pag pipili ka walang pagdadalawang isip na pipiliin mo ang favorite mo. Pero walang lasting sa mga bagay sa mundo, all is fleeting kahit pa gaano ka consistent.

Pangalawa, consistency is ideal. Yung iniisip ko na laging ganun ang ibibigay na comfort ng pinipili ko na cubicle ay nasa ideals ko. Kasi mag iiba talaga ang mga bagay – pwede for a certain period of time consistent sya pero eventually may mga factors na makaka apekto sa consistency nya. Like sa favorite cubicle ko, nasira kaya need talaga palitan ng mga accessories, kaya yung mga dati na dahila kaya ko favorite ay hindi na ganun. I mean may nagbago kaya hindi consistent. Pwedeng para sa maayos na service ang changes pero pwede din sa takbo ng panahon at demand ng mga gumagamit.

Pangatlo at panghuli, usapang demand ng gumagamit. Endless ang desire ng tao – wants versus needs. Habang buhay tayo, every stage may mga gusto tayo sa pang araw araw natin na paghinga. Minsan nga kahit yung hangin na nilalanghap natin gusto natin may flavor from air freshener or maglilipat tayo ng environment dahil masyado ng polluted ang hangin na nilalanghap natin (pwede figurative or literal – bahala ka na). Bahala ka na din gamitin ang utak mo kung wants mo ba or needs mo ang pinipili mo ngayon sa buhay mo. Kasi every choices may kasama responsibilities at side effects.

Well, gusto ko lang ng chill na post sa masalimuot kong mga isipin. Alam mo yung ang daming nangyayari sa paligid mo araw araw at gusto mo sigawan ang mundo na manahimik panandalian pero maiisip mo ano ang karapatan mo.

Buhay nga naman, salamat pa din sa araw araw na paghinga at pag ibig mula sa mga tao na nagtitiwala pa din sa mga kaya kong gawin, kahit minsan unaware sila na nahihirapan ako mamili ng cubicle sa restroom namin sa office.

Tanong: May issue ka ba sa mga restroom sa paligid mo?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Create a free website or blog at WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: