Iibigin kita sa katahimikan

Hindi na ako magtatanong at magmamaktol
Alam kong hindi sa gitna ng kaguluhan iguguhit ang daan mo patungo sa akin
Dahil sa gitna ng kaguluhan iba ang ating nakikita – iba ang kamay na ating hahawakan, malayo sa tanaw ng bawat isa ang ating anyo.

 

Hindi ko ipaglalaban ang aking nadarama sa gitna ng kaguluhan
Dahil ang nais ko ay ang iyong katahimikan
Doon alam ko maririnig ang tibok ng iyong puso
Ang mga malalalim mong paghinga at banayad na singhap

 

Hindi sa umpukan at madadahas na kilos tayo magtatagpo
Sapagkat iba ang ating isisigaw – hindi ang bawat isa nating pangalan
Mula sa lalim ng ating pananalita madidinig ang hiyaw ng paglaya
At sa bawat taas ng kamao – hindi para sa ating pagmamahalan

 

Batid ko na sa katahimikan ng kalikasan at malamyos na simoy ng hangin
Doon magtatagpo ang ating pagtanaw at ikaw ay magbibigay ng ngiti
Dahil ang mata ko ay nagningning sa pagdaka mga hakbang mo sa akin
At sa wakas sa lahat ng kaguluhan ng mundo – dito sa katahimikan tayo ay isa.

 

Questions: How do you see yourself falling in love to someone, is it serene or not?

Advertisements

2 thoughts on “Iibigin kita sa katahimikan

Add yours

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Create a free website or blog at WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: